Mga Kwentong Bayan / Philippine Folktales in English

Mga Bugtong / Filipino Riddles

Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.




MGA BUGTONG

May isang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy

Ate mo, ate ko, Ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis

Hiyas na puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kainin.
Sagot: Mangga

Butong binalot ng bakal,bakal na binalot ng kristal.
Sagot: Lansones

Nag tapis nang nag tapis nakalitaw ang bulbolis.
Sagot: Mais

Isang balong malalim, punong-puno ng patalim.
Sagot: Bibig

Dalawang batong maitim, malayo ang dinarating.
Sagot: iyong mata

Dalawang balon, hindi malingon.
Sagot: iyong taenga

Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan.
Sagot: bangka

Dalawa kong kahon, buksan walang ugong.
Sagot: iyong mata

Limang puno ng niyog, isa'y matayog.
Sagot: daliri

Aling ibon dito sa mundo ang lumilipad at sumususo ang anak?
Sagot: kabag

Nang hatakin ko ang baging, nagkagulo ang mga matsing.
Sagot: kampana




FILIPINO RIDDLES

A deep well that is full of chisels.
Answer: Mouth

Two black stones that reach far.
Answer: your eyes

Two wells, which you cannot turn to look at.
Answer: your ears

The captain took a bath without his belly getting wet.
Answer: canoe

My two boxes are opened without a sound.
Answer: your eyes

Five coconut trees, one stands out.
Answer: fingers

Which bird in this world flies yet suckles its young?
Answer: fruit bat

When I tugged on the vine, the monkeys went crazy.
Answer: large bell