Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Dalawang Uri ang Panitikan
- Patula – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong. Kabilang ditto ang mga sumusunod: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pangtanghalan, at patnigan.
- Tuluyan o Prosa – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda. Kabilang ditto ang mga sumusunod: maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita at editoryal.
Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino
- Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing ating pinagmulan.
- Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.
- Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.
- Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad.
- Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.